Inanunsyo ni Meta CEO Mark Zuckerberg nitong Linggo, Pebrero 19, na maglulunsad sila ng paid verification service para sa Facebook at Instagram.

Sa pahayag ni Zuckerberg, ang nasabing subscription service na tinawag na ‘Meta Verified’ ay naglalayong ma-verify ang account ng isang Facebook at Instagram user sa pamamagitan ng paglalagay ng blue badge.

Unang ginamit ang blue badge bilang verification tool sa itinuturing na ‘high-profile accounts’ tulad ng mga sikat na personalidad.

“Meta Verified -- a subscription service that lets you verify your account with a government ID, get a blue badge, get extra impersonation protection against accounts claiming to be you, and get direct access to customer support,” saad ni Zuckerberg.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

“This new feature is about increasing authenticity and security across our services,” dagdag niya.

Magsisimula umano ang subscription fee ng Meta Verified sa halagang $11.99 kada buwan sa web o $14.99 kada buwan sa iOS.

“We'll be rolling out in Australia and New Zealand this week and more countries soon,” ani Zuckerberg.

Matatandaang noong nakaraang taon, inilunsad ni Elon Musk, may-ari ng Twitter, ang premium Twitter Blue subscription.