Ito ang saad lang ni “Ako Si Ninoy” star Juan Karlos Labajo sa isang panayam kamakailan.

Abala ngayon sa promotion si JK sa pelikulang gawa ni Vince Tanada kasama sina Pinky Amador. Sarah Holmes, Johnrey Rivas, Cassy Legazpi, Marlo Mortel, Joaquin Domagoso, Vean Olmedo, , Donita Nose, JM Yosures, Bodjie Pascua, Jim Paredes, Lovely Rivero, Tuesday Vargas, Sarah Javier, John Gabriel, Brylle Mondejar, Sharmaine Suarez, Nicole Laurel Asensio at Lance Raymundo.

Musika at Kanta

Martin Nievera, may madamdaming mensahe kay Sofronio Vasquez

Sa kamakailang premire night ng pelikula sa Rockwell Cinema, natanong nga ang young actor sa saloobin nga kasunod ng mga materyal na may potikal na motibasyon kabilang na ang naunang patalbugan sa takilya ng “Maid in Malacanang” ng kontrobersyal na si Direk Darryl Yap at “Katips” din ni Tanada.

Ngayon nga ay umaariba naman ang mga pelikulang “Ako Si Ninoy”, “Oras de Peligro” at “Martyr or Murderer.”

Basahin: Direk Joel Lamangan, wafakels kahit itapat ang ‘Martyr or Murderer’ sa ‘Oras De Peligro’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Feeling ko, there’s a hidden sort of film war going on. Honestly, at the same time, basta gawa lang tayo ng movie. Masaya na ‘yun,” ani JK.

Aniya pa, lahat naman may kalayaan sa paggawa ng pelikula hangga’t hindi babaguhin nito ang kasaysayan ng bansa.

“But at the end of the day, we’re just making a film, following what’s on the books of what we learned in school,” dagdag na pagpupunto niya.

Basahin: JK Labajo, ‘no-no’ na madirek ni Darryl Yap in the future; direktor, may balik na banat – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, tila nai-enjoy naman ngayon ni JK ang acting career na dati ay may love-hate relationship siya.

Ito’y matapos sabihin niyang may balak siyang pansamantalang iwan muna ang kaniyang music career.

“Baka nga tumigil ako sa music this time. Actually, balak kong maglabas ng album for this year. Nae-enjoy  ko ‘yung pag-acting. Dati kasi, na-burnout ako sa acting. Ngayon naman, medyo lie low sa music  tapos focus sa acting,” anang singer. 

Noong 2022, ilang mga kanta ang ibilabas ni JK kabilang na ang “Shot Puno,” “Araw,” “Buksan,” “Aminin,” bukod sa iba pa.

Ang The Voice Kids Philippines alumnus ay sumikat sa mga kantang “Buwan,” “Demonyo,” bukod sa iba pa.