Nagpahayag ng simpatya ang Australian Embassy in Manila nitong Lunes, Pebrero 20, sa dalawang Australian at mga kasama nitong sakay ng Cessna 340 na nawala at kalaunang natagpuang bumagsak sa dalisdis ng Bulkang Mayon sa Albay.

Sa pahayag ni Australian Ambassador to the Philippines na si HK Yu, ibinahagi niya na batid nila dalawa sa apat na lulan ng nasabing Cessna plane ay mga Australian.

“Our thoughts are with the families, friends and loved ones of all those affected,” ani Yu.

“The Australian Embassy is in contact with local authorities and DFAT (Department of Foreign Affairs and Trade) is providing consular assistance to the families of the two Australians,” dagdag niya.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Sinabi rin ni Yu na nagpapasalamat sila sa mga lokal na awtoridad sa walang pagod na paghahanap pa rin sa nawalang Cessna plane.

Hanggang ngayon naman ay naghihintay pa rin ng pagkakataon ang rescuers para makalapit sa natagpuang bumagsak ng eroplano sa dalisdis ng Mayon.

Ibinahagi ni Camalig Mayor Carlos Irwin Baldo kaninang tanghali na dalawang helicopters ang idinistino sa military base ng Tactical Operations Group (TOG) 5 para rito.

Samantala, wala pa ring balita tungkol sa apat na lulan ng nasabing eroplano: ang piloto, isang crew, at ang dalawang Australian na pasahero.

Naiulat na nawala ang naturang Cessna plane noong Pebrero 18 matapos umalis sa Bicol International Airport.

BASAHIN: Isang Cessna plane galing Bicol, nawawala – CAAP

Natagpuan naman ng mga awtoridad ang bahagi nito sa dalisdis ng Mayon 32 oras matapos itong mawala.