Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG), Maritime Police at Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ang limang mangingisda matapos lumubog ang sinasakyang bangka sa Bansud, Oriental Mindoro nitong Linggo, Pebrero 19.

Kabilang sa mga nailigtas sina Edmon Manato, 𝟓𝟐, boat captain; Jayvee Manato, 𝟐𝟐; Rocky Madera, 23; Allen dela Cruz, 𝟐𝟑; at Ernie Merida, 51, pawang taga-Bansud Proper, Oriental Mindoro.

Paliwanag ng Coast Guard, nagresponde sila sa lugar matapos matanggap ang impormasyon kaugnay sa lumubog na FBCA "La Capitana" na may sakay na limang mangingisda.

Matapos ang ilang oras na paghahanap, natagpuan din nila ng mga ito habang nagpalutang-lutang sa karagatang sakop ng Bansud.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Ayon sa mga nailigtas, lumubog ang sinasakyan nilang bangka matapos hampasin ng malalakig alon at malakas na hangin.

Kaagad na dinala sa Oriental Mindoro Southern District Hospital ang limang mangingisda upang sumailalim sa pagsusuri.