Nangako si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magpapatupad siya ng batas hinggil sa responsableng pagmimina upang maprotektahan ng administrasyon ang kalikasan ng bansa.

Binitawan ang katagang ito ni Marcos matapos siyang tanungin tungkol sa kaniyang polisiya hinggil sa pagpoprotekta ng kalikasan sa Cordillera, lalo na tungkol sa pagmimina sa nasabing lugar.

“In terms of protecting the environment, it’s very clear what the position of this government has always been… It has been an important part of all our policies,” ani Marcos. “We are environmentally conscious, moving the economy towards green technologies, moving our production of power towards renewables.”

Samantala, bagama’t mahalaga umano sa economic plan ng administrasyon ang yamang mineral, hindi raw hahayaan ng gobyernong maapektuhan ang kalikasan tulad ng nangyari nitong mga nakaraang taon.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

“All our forest cover is important and must remain — that is giving the Philippines, we fall into the category of a carbon sink country because of our forest cover, and so that is a very valuable asset for the Philippines,” ani Marcos.

“So it is really a question of enforcing the law in terms of responsible mining, and that is what we will continue to do. We will always make sure that the mining companies who come in, once they are finished mining, that they leave the site in the same condition as it was when they found it,” dagdag niya.