Marami ang naantig sa vlog ng isang lolo vlogger na nagngangalang "Lolo Mandoy" matapos niyang maghanda ng pansit dahil sa pagkakaroon ng 300 subscribers sa kaniyang YouTube channel, na nagtatampok sa kaniyang buhay-mangingisda.

Makikita sa video ang pagluluto niya ng pansit, at pagpapaskil ng "Happy 300 subscribers!" sa isang lumang manila paper.

"Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng sumuporta sa channel ko at gusto ko rin magpasalamat sa Panginoon. God Bless Us All," aniya.

Ina, may open letter sa pastor dahil sa umano'y pambubully sa anak sa simbahan

Dahil dito, marami sa mga netizens ang natuwa at nalugod sa kaniya.

Habang isinusulat ang balitang ito ay pumalo na sa 36.2k ang kaniyang subscribers!

Narito ang reaksiyon at komento ng mga netizen na nagbigay ng ilang tips upang mamonetize ang kaniyang vlogs.

"Congrats, Tatay! Road to monetization ka na. Gawa ka lang nang gawa ng vlogs para dumami ang watching hours mo."

"Hello po Lolo, konting tip lang po kung mareach mo na ang monetization requirement ni YouTube. Bago mag-apply, i-mute n'yo po muna 'yong mga videos n'yo na may music para po sigurado na tatanggapin kayo sa YouTube Partner Program. Sayang po kasi kapag nareject, one month pa po aantayin n'yo para makapag-apply ulit. Magpatulong po kayo sa taong pinagkakatiwalaan n'yo at marunong po for YouTube monetization. Hoping po for the best sa channel n'yo. Padayon, Lolo!"

"Congrats Lolo! Sana marami kang ma-Inspire na kabataan sa pamimingwit ng isda!!"