Mariing pinabulaanan ng Presidential Communications Office (PCO) ang kumakalat na memorandum circular na nagsasabing babawasan umano ang sahod ng mga empleyado sa gobyerno upang gamitin sa relief fund para sa mga nabiktima ng lindol sa Turkey at Syria.

Binigyang diin ni PCO Secretary Cheloy Garafil na walang katotohanan ang memo na kumakalat sa social media.

May pamagat ang nasabing memo na "TWO DAYS SALARY DEDUCTION FOR THE MONTH MARCH 2023 FROM ALL GOVERNMENT EMPLOYEES FOR PRESIDENT RELIEF FUND FOR TURKEY AND SYRIA".

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Nakasaad dito na kakaltasan umano ng dalawang araw na sahod ang mga opisyal na nagtatrabaho sa ilalim ng “Federal Government” at “Officers/Officials of Civil and Armed Forces” sa buwan ng Marso para sa earthquake relief fund.

Makikita rin sa pekeng memo ang pirma sa tapat ng pangalan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, subalit wala itong logo ng Malacañang at memo circular number.

Sinabi ni Garafil na nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ang tanggapan ni Bersamin hinggil sa isyu.

Pinaaalalahanan naman ng PCO ang publiko na maging mapanuri sa mga impormasyon na kumakalat online.