Matapos ang ilang dekada ay muling nagkasama ang aktor na si Carlo Aquino at Star For All Seasons na si Vilma Santos-Recto, na gumanap na mag-ina sa award-winning movie na "Bata, Bata Paano Ka Ginawa?" na hango mula sa nobela ng namayapang nobelista na si Lualhati Bautista.

Ipinagdiriwang kasi ni Ate Vi ang ika-60 taon niya sa industriya ng showbiz.

"Happy 60th anniv sa nag-iisang Vilma Santos-Recto," pagbati ni Carlo.

Sinariwa ng aktor ang unang araw na nagkita sila ni Ate Vi sa set ng kanilang shooting location.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"First day of shoot ko sa Bata bata. Dumating ka sa set na naka artista van. Pinakilala ka samin ni direk Chito (Roño) tapos lumapit ka sakin. Sabi mo 'ill be your mom for this film, would you like that?' Halos matanggal ulo ko sa pagtango. 🤣 Salamat sa pagtanggap sa akin bilang si Ojie."

"Kahit matagal na nagawa ang pelikula natin ganun pa din ang pagmamahal mo sakin. Salamat sa mahigpit na yakap pagkatapos ng bawat eksena. At higit sa lahat salamat sa 'Akala mo lang wala'."

Wish ni Carlo, "Sana makatrabaho kita ulit. Love you mommy Vi."

Sa comment section, wish din ng mga netizen na sana raw ay magkaroon sila ng reunion project, na puwedeng teleserye o pelikula.

Sana rin daw ay i-remake ang naturang pelikula na isa sa mga iconic movie ng Star Cinema.

Sa kaniyang opisyal na Facebook account naman ay sinabi ni Ate Vi na masayang-masaya siya sa pagdalaw sa kaniya ni Carlo.

"Sobrang happy to see my son Carlo Aquino! What a surprise! Salamat din sa pagbisita Direk Adolf Alix Jr!"