Matapos ang limang taong relasyon ay nilevel-up na pala ng magjowang sina Leila Alcasid at rapper na si Curtismith o Mito Fabie sa tunay na buhay, ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng pagsasama sa iisang bubong, na naganap lamang noong kasagsagan ng pandemya.

Iyan ang ibinunyag ng singer-songwriter-rapper na si Curtismith sa ulat ng ABS-CBN. Guest performer kasi si Curtismith sa pagbubukas ng Hoka concept store noong Miyerkules, Pebrero 15.

View this post on Instagram

A post shared by Mito (@curtismito)

Eleksyon

Chavit Singson, kakandidatong senador sa midterm elections

Pareho daw nilang desisyon ni Leila ang kanilang pagli-live in. Sabagay ay nasa tamang edad na naman sila. Si Curtismith ay 29 at si Leila naman na anak nina Ogie Alcasid at dating misis na si Michelle van Eimeren ay 25 na.

Noong una raw ay hindi nagustuhan ni Ogie ang kanilang desisyon subalit kinausap umano ni Curtismith nang masinsinan ang kaniyang "future" dad in-law. Pati ang mommy ni Leila na si Michelle ay nakausap din niya.

“For sure it wasn’t okay with Tito Ogie when it happened, because it was so sudden during the pandemic. But that was how things turned out," kuwento ni Curtismith.

“Good thing Tito Ogie was open-minded enough to sit down and talk to me to hear the reason we decided to do so.”

Sa tanong na kung may balak ba siyang pakasalan si Leila sa tamang panahon, "“I would love to, but I need to make enough money to be able to do so.”