Proud mom si broadcast journalist Karen Davila sa bagong milestone ng anak na si David na nasa autism spectrum at nag-umpisa nga ng kaniyang internship job kamakailan.

Ito ang magkahalong kilig at masayang ibinahagi ng ina sa kaniyang social media matapos bisitahin si David sa kaniyang internship sa isang retail shop.

Sa maikling reel ng mamamahayag, ipinakita nito ang suot na customized identification card ng anak na may mga salitang, “Thank you for your patience. I am a PWD [persons with disability].”

Dito rin iflinex ng proud mom ang masayang pag-assist ni David sa kaniya bilang customer sa counter ng nasabing tindahan.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Nasa pangangalaga ng The Vanguard Academy Philippines si David na abot-abot na pinasalamatan ng mamamahayag dahil sa inklusibo nitong programa.

“I encourage more companies to hire people with disabilities & special needs 🙌🏼 Inclusion is how we build a better and more compassionate world,❤️” panawagan ni Karen.

Karen Davila/Instagram Story

Karen Davila/Instagram Story

Samantala, ngayong Linggo, Pebrero 19, nagdiriwang ng ika-21 kaarawan ang panganay ng mamamahayag.

Base sa ilang serye ng Instagram stories ni Karen, masayang salu-salo kasama ang malalapit na kaibigan at kapamilya ang kasama ng pamilya para sa espesyal na selebrasyon.