Flinex ng cat lover mula sa Binangonan, Rizal na si Joanne Rivera-Pereira, 31, ang kaniyang asawa na si Jigson Pereira, 30, matapos nitong gawan ang kanilang mga pusa ng sariling 'mini double deck' na higaan.

“Yung husband mong love na love din mga baby nyo.. ginawan pa sila ng double (deck) bed🤣😍❤️. Mukang nagustuhan naman nila haha❤️❤️,” caption ni Joanne sa kaniyang post sa CAT LOVERS PHILIPPINES.

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Joanne na naisip nilang gawan ng sariling bed ang pito nilang baby cats dahil laging nakasiksik ang mga ito sa kanilang higaan.

“Name po nila is Vico, Pichie, Maja, Tikoy, Kutchi, Pil and Vica. Lagi silang natabi sa higaan, so kasi nga madami na sila, minsan wala na kaming pwesto ng husband ko. So naisip namin na bigyan at gawan na lang sila ng sariling higaan,” ani Joanne.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Ayon naman mister ni Joanne na si Jigson, dalawang tali lang daw ng palochina wood, isang pack ng wood glue, isang bungkos ng screw, at 1x1 na may habang 15ft na kahoy ang nagamit niya sa paggawa ng nasabing mini bed.

“No idea po ako sa labor. Bayad lang po sakin diyan ay matamis na ngiti ni Misis at pusang nagustuhan yung ginawa namin,” pabirong saad ni Jigson.

Dalawang taon na raw kasal ang mag-asawa ngunit next year pa nila planong magkaanak kaya’t binubuhos nila ngayon ang atensyon nila sa kanilang mga pusa.

“Sobrang love talaga namin sila. We treat them as our own child. We treat them with care and love, kasi tingin namin ‘di lang sapat na bigyan sila ng food, water and shelter. Need nila ng attention, care and most of all is love,” ani Joanne.

Larawan mula kay Jigson Pereira

Hindi naman daw sila makapaniwalang marami ang makaka-appreciate sa higaan ginawa ni Jigson. Ngunit masaya raw sila na maraming na-inspire na netizens na gumawa rin ng higaan para sa kanilang mga alaga.

“Nagulat po ako na mga may na-order po haha, nagrereply na lang po kami na di po namin siya business,” saad ni Joanne.

“Ma’am magbenta kayo please hahahahah! Ganda eh,” hirit ng isang netizen sa comment section.

Sa ngayon ay umani na ng mahigit 4,600 reactions, 450 comments, at 560 shares ang naturang post.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!