Viral ngayon sa social media ang Facebook post ng isang nagngangalang "Ma. Ruby Mula" kung saan makikita ang kanilang "life hacks" kung paano makapagpaplantsa ng damit kahit walang plantsa.

Makikita ang FB post sa social media page na "Homepaslupa Buddies 3.0" kung saan ibinida ni Ma. Ruby ang ginagawa ng kaniyang mister sa pagpaplantsa ng school uniform ng kanilang anak.

Gamit lamang ang baunang plastik na lunch box at pinakulong tubig, ito na raw ang alternatibong paraan nila sa pagpaplantsa.

"Layp hack ng isang hampy 🤣 wala kaming pambiling plantsa para sa uniform ng anak ko kaya ginawan ng paraan ng partner ko. Di ko sure kung nagwowork hahaha kasi nababasa yung damit 🤣 Nagpakulo syang water then nilatag yung damit sa unan then nilagay sa lunch box yung mainit na tubig at pinasadahan yung blouse ng anak ko 🤣😅," aniya sa caption ng kaniyang ibinahaging video.

Human-Interest

KMJS episode tungkol sa 'VA' story, umani ng samu't saring reaksiyon sa netizens

Screengrab mula sa FB page na Homepaslupa Buddies 3.0

Marami naman ang naantig sa kanilang ibinahagi at maraming nagboluntaryong mabigyan sila ng plantsa.

"Taga saan po kayo ate? Ako na po bahala sa plantsa n'yo."

"Ate ano address n'yo padalhan ko po kayo ng tagaplantsa… nabasa ko kasi puro plantsa na papadala nila hahaha biro lang po. PM po tayo."

"Hi! If this is true na wala po kayong pambili ng plantsa message me po at padalhan kita."