Tila updated si Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda sa mga ganap sa katapat na programa ng “It’s Showtime” na “Eat Bulaga” matapos nitong mabanggit ang isyu ng umano’y pandaraya sa segment nitong “Pinoy Henyo” kamakailan.

Sa segment ng noontime show na “Girl on Fire,” tinanong ni Vhong Navarro ang kalahok kung pinapanood nito ang segment at ang kaniyang mga posibleng makalaban, sinabi nitong nanonood siya, sabay sabat si Vice Ganda at pabirong sinabi na “Pinoy Henyo” ang pinanonood ng kausap nilang contestant.

“Echosera! Pinanonood mo ‘Pinoy Henyo’ eh! Nakita kita ‘Pinoy Henyo’ pinanonood mo eh tapos talagang binabagalan mo pa eh, talagang tinitignan mo kung sinabi yung ‘stomach… stomach,” kuwelang chika ni Vice.

“Binulong ba yung stomach?,” pahabol na tanong pa ni Vice sa contestant.

'Nandaya?' Couple na nakapasok sa jackpot round ng 'Pinoy Henyo,' kinukuwestyon

Kamakailan ay nabalot ng kontrobersiya ang pagkakapanalo ng di umano’y nandayang babae sa nasabing segment ng “Eat Bulaga.”

Tila nag-patutsada naman ang mga Dabarkads sa nasabing isyu at nagbibigay ito ng paalala bago magsimula ang laro.

“Kapag nahuli po, susuntukin sa stomach. Susuntukin lang naman, kaya bawal ang coaching, alright?” sey ni Miles, isang araw matapos umere ang naturang episode.

Sinegundahan naman ito ni Ryan Agoncillo at sinabing "Kung ayaw ninyong masikmuraan, umayos kayo!”

Kahapon, Pebrero 17, si Joey de Leon naman ang nagbigay pahayag patungkol sa isyu.

"Kapag nagchi-cheating ka sa isang game, wala na yung fun," komento ni Joey.

“Pati ikaw, madi-dishearten sa ginawa mo,” pag-sang-ayon naman ni Allan K.

"Akalain ninyong itong 'Pinoy Henyo,' eh, pasukan ng mga mandaraya? Kaya inuulit natin, totoo yan, kahit anong laro pa yan, kapag nandaya kayo, wala nang fun! Totoo nga ‘yung pandaraya, may fun, ‘fundaraya.’ Pero hindi dapat… No cheating." dagdag pa niya.

“Hindi na masaya. Kaya ang dapat sa mga ganyan, hindi namin kayo tatantanan,” kuwelang hirit naman ni Jose Manalo.

https://twitter.com/eatbulaga/status/1626444538087882758?s=46&t=8r80SXZ-0bbptJdPmIHOqQ

Burado na sa YouTube channel ng “Eat Bulaga” ang episode ng di umano’y dayaan sa “Pinoy Henyo” ngunit kalat na ito sa iba’t ibang platforms at patuloy na pinag-uusapan ng netizens.