Nakiusap ang kapatid na babae ni Kapuso star Barbie Forteza na si "Gabrielle Vierneza" sa mga tagahanga at tagasuporta ng tambalang "FiLay" o nina Fidel at Klay, ang mga karakter nina David Licauco at Barbie Forteza sa extended at hit drama-fantasy series na "Maria Clara at Ibarra."

Dahil sobrang kinakikiligan ngayon ang tambalan nila, marami kasi ang nagshi-ship na sa dalawa, at tila nakalilimutang sa pribadong buhay ay ibang mahal ang dalawa.

Alam naman ng lahat na karelasyon ni Barbie si Kapuso actor Jak Roberto habang si David naman ay kakahiwalay lamang daw sa non-showbiz girlfriend, ayon na rin sa naging panayam nito sa "Fast Talk with Boy Abunda."

"Pasintabi naman sa inyong nagmamarunong sa personal lovelife ng kapatid ko. Pakirespeto lang ang personal lovelife niya tulad ng pagrespeto n'yo sa ibang cast ng MCI. Ok bye," ayon sa tweet ng utol ni Barbie.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

https://twitter.com/AmIThatBad/status/1625712664197431298

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Barbie, Jak, o David patungkol dito.