Inaasahan na naman ang pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng mga kumpanya ng langis, tataas ng₱0.35 hanggang₱0.75 ang kada litro ng gasolina.

Madadagdagan naman ng₱0.65 hanggang₱0.95 ang presyo ngbawat litro ng diesel.

Posible namang babawasan ng₱0.10 hanggang₱0.30 ang presyo ng kada litro ng kerosene.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Nauna nang isinapubliko ng Department of Energy (DOE) na ang inaasahang paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo ay dulot ng plano ng Russia na magbawas ng 500,000 barrel ng produksyon ng langis kada araw.

Myrna Velasco