Idinaan na lamang sa biro ng mga "Eat Bulaga" hosts ang pag-address sa isyu ng pinag-usapang "pandaraya" ng couple na kalahok sa segment nilang "Pinoy Henyo" sa Valentine's Day episode nito.

Sa kumakalat na video clip sa social media, makikitang hirap na hirap ang lalaki kung anong bahagi ng katawan ang pinahuhulaan ng kaniyang nobya. Ang salita ay "Stomach."

Nahulaan ng lalaki ang salita subalit hindi nakaligtas sa mga mata ng manonood at netizens ang pagsambit daw ng salitang "stomach" ng babae, na nabasa naman ng lalaki, kaya tumama sila.

'Nandaya?' Couple na nakapasok sa jackpot round ng 'Pinoy Henyo,' kinukuwestyon

Kaagad na binura ng EB ang video nito sa YouTube channel gayundin ang write-ups tungkol dito matapos ulanin ng batikos ang comment sections nito.

Sa February 17 episode ng EB, pabirong humirit ang tinaguriang Master Henyo na si Joey De Leon tungkol sa trending na insidente ng cheating na nangyari sa kanilang programa. Aniya, nawawala ang "fun" sa isang game kapag nagchi-cheating na. Nagiging "fun-daraya" na raw ito.

"Akalain ninyong itong 'Pinoy Henyo,' eh pasukan ng mga mandaraya? Kaya inuulit natin, totoo 'yan, kahit anong laro pa 'yan, kapag nandaya kayo, wala nang fun! Totoo nga ‘yung pandaraya, may fun, ‘fundaraya.’ Pero hindi dapat… No cheating." giit ng host na sinang-ayunan naman ng kapwa Dabarkads.

Sundot naman ni Jose Manalo na ginaya pa ang pamosong linya ni GMA news anchor Mike Enriquez, “Hindi na masaya. Kaya ang dapat sa mga ganiyan, hindi namin kayo tatantanan!"

Mungkahi naman ng mga netizen, sana raw ay gawan na rin ng paraan ang set-up ng Pinoy Henyo upang makaiwas na ulit sa mga ganitong cheating.

May ilang netizen naman na tila nabahiran pa ng usaping politika ang mga nangyari.

"Talamak na rin kasi ngayon ang pandaraya, 'yan ang nakukuha sa mga pulpol na politiko, tsk!"

"Hayan, sanay na sanay na mandaya ang mga karaniwang tao dahil nakikitang example sa... alam n'yo na."

"Kung hindi maatim na i-tolerate ang pandaraya sa isang game, sana ganoon din ka-vigilant pagdating sa politika."

https://twitter.com/eatbulaga/status/1626444538087882758?s=46&t=8r80SXZ-0bbptJdPmIHOqQ