Umaalma na ang avid Kapuso viewers sa format ngayon ng public service show na "Wish Ko Lang" dahil tila nagiging drama anthology na raw ito ng ilang mga eksenang "eskandaloso," at tila nalilihis na sa tunay na layunin nitong magbigay ng tulong o wish sa itinatampok na buhay sa pamamagitan naman ng kaunting re-enactment.

Nawiwindang na ang mga manonood sa mga maseselang kuwentong inilalahad dito, na biro nga nila ay "pang-Vivamax" na raw, lalo na't umeere ito sa hapon at weekend pa. Ang Vivamax ay online streaming app ng Viva Films kung saan umeere ang ilang maseselan at sensuwal nilang pelikula.

Sey pa ng mga netizen, nasaan na raw ba ang "wish" sa Wish Ko Lang? Sana raw ay ibalik na lamang ito sa dating format.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento:

National

LPA sa labas ng PAR, ganap nang bagyo

"WISH KO LANG’s trajectory must be studied."

https://twitter.com/yomattyu/status/1626177733104668673

"Yeah, I don’t really watch TV shows now, but when I was young, I remember it being a very awesome TV program. It's okay to evolve, but sana they stick na lang to their niche."

"Charity no more. I used to love this show for two reasons: it helped people and Kyla's angelic voice. Turns out it was never meant to help from the get-go, because if it was, it would never succumb to the changing trend."

"The design is very Vivamax haha."

"Anong sey dito ni Vicky Morales?"

"A real life story of sender then at the end of the show may interview kay sender tapos maraming ibibigay na tulong tulad ng cash, grocery, appliances, negosyo package… nakakabigla lang talaga kasi from the title wish ko lang parang Karelasyon ang pinapanood natin… siguro next time pang MPK ang story then tutulong sila mas okay tingnan…"

"Dati yung Wish Ko Lang ay yung tutulong sila sa mga hirap sa buhay, pagbibigyang makasama muli ang nawalay na magulang, kapatid, kaanak… pagbibigay ng kaunting tulong na hanapbuhay para sa mga mapipili nilang mahihirap pero ngayon para nang Vivamax."

"So anong wish? (I miss the original Wish Ko Lang)."

https://twitter.com/hecklerforever8/status/1625727757819973632

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang host na si Vicky Morales, ang pamunuan ng show, o maging ang GMA Network tungkol dito.