Tinatayang 542 ang bilang ng aftershocks na naitala matapos yanigin ng magnitude 6 na lindol ang probinsya ng Masbate nitong Sabado, Pebrero 18, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, ang nasabing 542 aftershocks ay nasa magnitude 1.3 hanggang magnitude 4.6.

Sa kasalukuyan, nasa 30 aftershocks na umano ang naramdaman ng mga residente.

Ayon sa state seismologists, madalas yanigin ng lindol ang Masbate dahil isa ang lugar sa “most seismically active regions” ng bansa. Mayroon umano itong active faulths tulad ng Masbate at Sibuyan Sea Segments ng Philippine Fault.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Sa inisyal na pagsusuri ng Office of Civil Defense - Region 5 na inulat ng PNA nitong Biyernes, Pebrero 17, nasa anim na gusali, 61 kabahayan, at 15 eskwelahan ang napinsala ng magnitude 6 na lindol.

Nangyari ang naturang lindol sa Masbate noong Huwebes, Pebrero 16, dakong 2:10 ng madaling araw. Namataan ang epicenter nito 11 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Batuan, Masbate.