Inihayag ng Manila Electric Company (Meralco) na ang mga residente sa kahabaan ng Almzaor Street hanggang Andrews Avenue ay makakaranas ng power interruption sa loob ng dalawang oras sa Sabado, Peb. 18.

Ayon sa Facebook post ng Pasay Public Information Office (PIO), sinabi ng Meralco na ang pagkawala ng kuryente, na magaganap mula alas-8 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga, ay dahil sa isang line maintenance work sa Almazor Street.

Pinayuhan ng Meralco ang mga residente sa mga apektadong lugar na gumawa ng mga kinakailangang paghahanda.

Jean Fernando

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho