Ibinahagi ng celebrity chef na si Erwan Heussaff ang recipe na inihanda niya para sa kaarawan ng kanyang asawa na si Anne Curtis.

Sa isang TikTok post, ipinakita ni Erwan ang clip mula sa noontime show na “It’s Showtime” kung saan pinag-uusapan ng mga hosts kung gaano kasarap ang pancit sabay hirit ni Anne ng “with lots of cheese” na agad namang dinogshow ni Vice Ganda, agad din namang kumabig si Anne na spaghetti pala ang tinutukoy niyang putahe.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Isa sa mga kinaaaliwan ng madlang pipol ang mga “lutang moments” ni Anne sa programa na sinuportahan naman ni Erwan sa paghahanda nito ng nasabing recipe.

“I’ll always have your back @annecurtissmith. Happy birthday love!,” sey ni Erwan sa caption nito sa Instagram sa kaparehas na video.

Tawang-tawa naman si Anne comments section.

“НАНАНАНАНАН! Thank you my love! so good right?,” ani ng Asia’s Sweetheart.

Kinakiligan naman ng netizens ang ginawa ni Erwan para sa kaniyang asawa.

Sa ngayon ay halos may 2 million views na ang nasabing TikTok video ni Erwan at patuloy na kumakalat sa social media.