Trending ang pangalan ni Kapamilya actor Enrique Gil sa Twitter ngayong Sabado, Pebrero 18, hindi dahil sa intrigang magpapakasal na raw sila ng nobyang si Liza Soberano, o lilipat na siya sa GMA Network, kundi kasama siya sa NBA All-Star 2023.

Ibinahagi sa opisyal na social media post ng "NBA Philippines" ang video clip ng panayam kina Enrique kasama sina Jordan Clarkson at Nikko Ramos na kabilang sa NBA All-Star Weekend.

"Great to see our Pinoy Pride all together 🇵🇭 Jordan Clarkson, Nikko Ramos, and Enrique Gil are ready for this year’s #NBAAllStar Weekend. Are you?," saad sa caption.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

https://twitter.com/NBA_Philippines/status/1626771168836591616

Makikita naman ito sa mismong Instagram post ni Quen.

"Just landed in Salt Lake City," aniya.

"So excited to be here for the #NBAAllStar weekend ‼️ It’s gonna be epic, stay tuned."

"One day in Salt Lake and already in love with the city," saad pa niya sa isang IG post.

"Can’t wait for the #NBAAllStar to tip off tomorrow."

Sa mga hindi nakakaalam, isa sa sports na kinahihiligan ni Enrique ay basketball.

Excited na ang LizQuen fans na mapanood ang kanilang idolo na matagal-tagal na rin namang hindi napapanood sa telebisyon.