Nabulabog ang mga residente dahil sa isang cobra na nagtatago sa isang bakuran sa Cabanatuan City, Nueva Ecija nitong Sabado ng umaga.

Sa panayam, sinabi Macky Soriano, 12, estudyante, kukunin niya sana ang isang tarapal sa gilid ng kanilang bakuran sa Sitio Boundary, Barangay Caalibangbangan nang bumulaga sa kanya ang isang cobra na mahigit tatlong talampakan ang haba, dakong 11:00 ng umaga.

Dahil dito, nabulabog ang mga residente at nagtulong-tulong upang mahuli ang ahas na kaagad ding pinatay.

Ayon sa mga residente, ito na ang ikatlong pagkakataong mayroongnapatay na cobra sa lugar simula noong 2022.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Posible umanong galing sa bukid ang ahas na ilang metro lamang ang layo sa lugar.