Hindi napigilan ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na magkomento sa isang Facebook page na umano’y palaging nagkakalat ng maling impormasyon.

Sa post ng “Pinoy History” Facebook page, sinabing magiging parte si Catriona ng isang pelikulang may title na “What If Jose Rizal Didn’t Die?,” na siyang official entry umano ng GMA Films (GMA Pictures na ngayon) para sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.

Gagampanan daw ni Catriona ang role ni Josephine Bracken at makakapareha niya raw nito si Dingdong Dantes na siya namang gaganap bilang Jose Rizal.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kapansin-pansin na ang pangalang ginamit sa larawan ay “Catriona Elisa M. Gray-Milby,” dahilan upang mapa-komento ang beauty queen.

“Grabe naman this page, laging fake news peddler. Wala akong part ng movie na to. Name ko po, Catriona Gray - hindi pa ako married. Kaloka,” sey ni Catriona sa comments section ng naturang post.

Screengrab mula sa FB page na Pinoy History

Kamakailan ay inanunsyo nila Catriona at ng kanyang nobyo na si Sam Milby ang kanilang engagement, na siyang ikinatuwa naman ng marami.

Samantala, wala pang opisyal na pahayag ang GMA Films kung totoo ang mga nasabi sa Facebook post ng nasabing page.