Hindi nagpahuli ang komedyanteng si Archie Alemania matapos nitong tapatan ang sexy photo ng aktor na si Joseph Marco.

Sa viral photo ni Joseph para sa isang endorsement, nakasuot ito ng puting sando at brief at kapansin-pansin ang tila daks na alaga nito na maging ang beterang aktres na si Rosanna Roces ay hindi napigilang mag-react.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

https://balita.net.ph/2023/02/15/nagkakasala-ako-nito-rosanna-roces-nawindang-sa-hubad-na-larawan-ni-joseph-marco/?fbclid=IwAR1EJoXojkipfLlzuk-r19f5fyYlWOVbAnGr994G6DVwdR6fI6HITgXezbs&mibextid=q5o4bk

Sa isang Instagram post, ginaya ito ni Archie suot naman ang itim na t-shirt at boxer brief.

“Sabi nga nila imitation is the best flattery. Na flatter naman ako kaso bakit hindi man lang mag isip ng consepto sa pictorial iniba lang ang suot. Hayyyys kakainis din minsan… oh well,” sey ni Archie.

Inalaska naman si Archie ng mga kasamahan nito sa industriya kagaya nila Marco Gumabao, Joross Gamboa, Ria Atayde, at MJ Lastimosa na kaniya-kaniyang komento sa nasabing Instagram post.

Sa ngayon ay may higit 1700 likes na ang nasabing post ni Archie.