Sa naturang hilera ng sampay kasi, agad mababasa ang “4 sale,” linyang hindi pala kumpleto dahil natabunan ng isang damit ang salitang “ice.” Yelo pala ang tinitinda! Lol

Laugh trip at good vibes ang hatid ng ngayo’y viral video ng isang netizen sa Facebook matapos akalaing ipinagbebenta ang mga damit na nakasampay pala.

Sa video na nasa mahigit 209,000 views na sa pag-uulat, makikita ang isang rider na napatigil nang masipatan ang mga nakasampay na damit sa pader ng isang harapan ng bahay.

Maayos at hindi mahahalatang ukay na ang mga damit dahilan para ipagtanong niya na at desidido nang bilhin ang dalawa.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Isang babaeng kapitbahay ang sunod na sumagot sa tanong ng rider ni kuya.

Dito na sinabi nito na sa katunayan ay nakasampay ang mga damit at hindi ito ipinagbebenta. Sunod ding nalaman ng rider na “Ice 4 sale” ang kabuuang mababasa sa isang karton na placard sa pader.

Sa hiya, napa-“Naku po” na lang ang rider na agad na binatawan at ibinalik sa pagkakasampay ang mga damit.

Abot-abot na tawa at hiya ang naramdaman ng rider na sa huli ay humingi na lang ng paumanhin sa napagtanungang kapitbahay.

Umani ng nakakaaliw na komento ang naturang video.

“Sa Department store k punta kc bkit sa bakod k namimili, 😀😀” birong saad ng isang netizen.

“AGUUYYY ma PRISO KA🤣😂🤣😂na WOW Mali ka TULOY!🤣😂

“At bakit Kasi ganyan Ang pag sampay na parang naka for sale talaga di man lang naka baliktad😂😂😂di yata marunong maglaba Ng sampay di man lang binaliktad! 😁😁✌️✌️✌️

“Hahaha un hnd prank nakita ko full video noon napadaan lg cia hahaha .kakatawa .parang gusto mo nlg lamunin Ng lupa sa kahihiyan hahahaha,”

Nasa mahigit 8,600 reactions na ang inani ng naturang video sa pag-uulat.