Itinaboy ng Philippine Coast Guard ang isang Vietnamese fishing vessel matapos pumasok sa Recto Bank (Reed Bank) na sakop pa ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas, kamakailan.

Sa social media post ng PCG, namataan nila angnasabing fishing vessel sa EZZ ng bansa nitong Pebrero 9.

Binanggit na habang nilalapitan ng Rigid Hulled Inflatable Boats (RHIBs) ng PCG ang naturang fishing vessel, lakas-loob namang niraradyuhan ito ng iba pang miyembro ng tropa ng pamahalaan na sakay ng BRP Teresa Magbanua upang paalisin sa lugar.

Nang makitang nilalapitan na ng RHIBs, kaagad na lumayo sa Recto Bank ang nabanggit na foreign fishing vessel kaya hindi na lumalala ang sitwasyon.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Nangyari ang insidente ilang araw matapos ang panunutok ng military-grade na laser ng Chinese Coast Guard sa barko ng PCG sa Ayungin Shoal.