Pinagkakatuwaan ngayon ng mga netizen ang convo ng online personality na si Dyosa Pockoh at aktres na si Jelai Andres na ora mismong nag-ayang mag-Thailand ang huli na para bang ang lapit lang nito. 

"Yung may friend kang Jelai Andres akala mo kung mag-aya parang pupunta lang kami sa Kamuning eh," saad ni Dyosa Pockoh sa kaniyang Facebook post kamakailan kalakip ang screenshot ng convo nila ni Jelai.

"Super bait talaga ni jelai papalagyan niya daw ako ng kipay sa Thailand hahaha," dagdag pa nito.

Sa screenshot makikita na tinanong ni Jelai si Dyosa kung nasaan ito at biglang nag-aya na mag-Thailand.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sakali raw na um-oo si Dyosa, magbo-book na agad ng ticket si Jelai.

Kaya naman pinagkatuwaan ng mga netizen ang naturang convo at minemention din nila sa comment section ang kanilang mga kaibigan.

"Hahahahahahahahahahaha now na ginawang quiapo lang ma haha"

"Mi need niya kasi taga bitbit ng bags niya kaya ka isasama haha charot!"

"Ganyan talaga dyosa pag tinuring kanilang best friend ever o di kaya'y isa ka sa pinagkakatiwalaan ng taong malapit sayo....kaya ganyan sya kabait sayo...."

"Parang nagpapasama lang pagbili suka ah"

"Looking for a friend ginagawang manila ang thailand"

Umabot na sa mahigit 77K reactions, 9.1K comments, at 14K shares ang nasabing post.