Labis-labis ang tuwa ng isang taxi driver nang makatanggap ng reward mula kay Unkabogable Star Vice Ganda matapos maging personal driver sa biyahe patungong Sagada mula Baguio bilang bahagi ng kaniyang ‘Gandara the Beksplorer’ show.

Mapapanood sa video na nakilala ni Vice si Gavriel Rieza sa paghahanap niya ng taxi driver na maaaring maghatid sa kanila sa Sagada na tinatayang 6 na oras ang layo mula sa Baguio.

Hindi umano inaasahan ni Gav na hihilingin sa kaniya ng sikat na komedyante na maging personal driver nila sa buong biyahe nila.

Kuwento niya napadpad lang umano siya sa Terminal ng Dangwa para humanap ng mapagkakakitaan dahil may sakit ang kaniyang anak.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

“Wala po akong naiwan sa kanilang pera po ‘non eh, kaya ang sinabi ko po ay makihiram muna sa mga kamag-anak namin don,” ani Gav.

Matapos malaman ang kuwento ng taxi driver, nagpasiya si Vice na tulungan si Gav sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng P35,000 sa halip na magbayad ng karaniwang pamasahe na ₱3,500 pagkarating nila sa Baguio City.

“Malaking malaking bagay po ito para sa anak ko,” tuwang-tuwa ani ni Gav.

Nagpasalamat din si komedyante kay Gav sa ligtas na paghatid sa kanila pabalik ng Baguio City.