Emosyonal ang online personality na si Toni Fowler nang makabalik siya sa noontime show na "It's Showtime" hindi bilang dancer, kundi isang guest na artista.

Matatandaang parte ng "FPJ's Batang Quiapo" si Toni na gaganap bilang si "Chicky" na bad influence na kaibigan ni Lovi Poe.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/02/08/toni-fowler-artista-na-gaganap-na-best-friend-ni-lovi-poe-sa-batang-quiapo/

"Hindi ko talaga napigilan luha ko sa live," saad ni Toni sa kaniyang Instagram post matapos mag-guest sa noontime show noong Pebrero 13. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"For almost 3 years, nagtrabaho ako sa Showtime bilang BACKUP DANCER tapos ngayon nakabalik ako pero bilang guest na ARTISTA," dagdag pa niya.

Bukod dito, labis ang pasasalamat ng vlogger, na ngayo'y isa nang aktres, kay Coco Martin.

"Walang sawang pasasalamat sayo, Direk Coco."

Samantala, nahaharap ngayon sa pambabatikos si Toni dahil sa kaniyang bagong music video dahil hindi nagustuhan ng netizens.

Sa music video, makikita si Toni sa isang bar at nakikipag-inuman, hindi nagtagal ay naging wild at malaswa na di umano ang mga sumunod na eksena sa naturang music video. Sigaw ng netizens, sumosobra na si Toni, kasabay ng pangangamba ng ilan na mapanood ito ng mga kabataan na sa murang edad ay marunong at may access na sa internet at iba’t ibang social media sites o website, kabilang na ang YouTube kung saan naka-upload ang music video.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2023/02/16/netizens-binatikos-ang-bagong-music-video-ni-toni-fowler/