Kinaaliwan ng netizens ang post ni Charmaine Lyle Lopez, 40, mula sa Sta. Ana, Maynila, tampok ang larawan na nakaupo sa karton ng kaniyang mga alagang pusa habang ang mga ito naman ang nakahilata sa kaniyang kama.

“Ako na mag aadjust🤣,” caption niya sa kaniyang post sa CATS & KITTENS Philippines.

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Lopez na noong isang araw pa raw dinadala ng alagang mama cat ang kaniyang anim na kuting.

“Kahapon pagdating namin, pagbukas ko ng kwarto andun silang lahat sa kama ko, kaya sabi ko, ‘ako na mag aadjust’. Ako na ang humiga sa karton nila kasi nahiya naman akong istorbohin pamamasyal nila sa kama ko,” pabirong saad niya.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Nang mahiga naman daw siya sa karton ng mga pusa, dahan-dahan umanong umupo si Mama Cat sa harap niya na parang sinasabi sa kaniyang: “Anong ginagawa mo diyan.”

“Masungit yang cat ko na ‘yan, saka lang siya malambing pag may gusto,” natatawang sabi ni Lopez.

Aliw na aliw naman ang netizens sa naturang post ni Lopez.

“Kasya ka nmn pala meowmy eh 😂,” biro ng isang netizen.

“Buti nalang po kasya kayo sa karton. Tapos sila ang luwag sa kama 🤣,” hirit naman ng isa.

“Wag na magreklamo bka palayasin ka pa nila hehehe,” biro pa ng isang netizen.

“Hihintayin mo pa ba ang palayasin ka....magbalot na po kayo. hahaha nakakatuwa lang talaga sila.”

😂kinakausap kana ni mamacat balik kana daw sa kama mo…”

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 7,700 reactions, 335 comments, at 925 shares ang nasabing post.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!