Masayang-masaya ngayon ang buhay-pag-ibig ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na kitang-kita naman sa kaniyang aura dahil tila paganda siya nang paganda sa piling ng boyfriend na si Jeremy Jauncey.

Halos araw-araw ay nagbibigay ng update sa kaniyang followers ang Miss Universe hinggil sa sweet moments nila together ng jowa.

Kaya naman, lagi siyang nasasabihang "sana all" ng mga netizen na hanggang ngayon ay "solo flight" pa rin sa buhay.

Noong Valentine's Day, maligayang-maligaya at feeling special ang pakiramdam ni PIa. May payo naman siya sa singles na patuloy pa ring umaasang magkukrus ang mga landas nila ng "The Right One."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Feb 14th wasn't always this special and happy for me… That said, trust in the Universe. Your time will come," ani Pia.

https://twitter.com/PiaWurtzbach/status/1625500756391649281

"Valentine's day or not, love will find its way to you," dagdag pa niya.