Labis ang pasasalamat ng aktres na si Miles Ocampo sa mga taong sumuporta at humanga sa kaniya matapos umere ang mga matitinding eksena niya sa "FPJ's Batang Quiapo" na pinagbibidahan nina Coco Martin at Lovi Poe.

Matatandaang puring-puri ng mga netizen ang special appearances nina Miles at Precious Lara Quigaman bilang younger version nina Cherry Pie Picache at Charo Santos Concio, lalo na ang una, na sana raw ay huwag nang pakawalan ng ABS-CBN. Sa kasalukuyan kasi ay napapanood ito bilang Dabarkads host sa noontime show na “Eat Bulaga” at sitcom ni John Lloyd Cruz na “Happy ToGether” na parehong umeere sa GMA Network.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/02/14/miles-ocampo-trending-dahil-sa-makabagbag-damdaming-pagganap-sa-batang-quiapo/

Kaya naman nitong Miyerkules, "overwhelmed" ang aktres sa mga papuri at magagandang komento sa kaniyang special appearance sa naturang teleserye.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

"Overwhelmed. been receiving so much love since Monday night," saad ni Miles sa kaniyang Facebook post.

"Maraming maraming salamat, kuya Coco. Maraming maraming salamat, Sir Deo. Maraming maraming salamat, mga Kapamilya."

Umani ng mga magagandang komento ang naturang post ng aktres:

"You Deserved what you have Done with that role ... Your acting Skills is so worth it .. Congratulations.. 👏👏👏 You're One of my Idol Since GOin' Bulilit"

"Congratulations Milesyou deserve all the credits … You did a good job"

"I grew up watching you. So glad you’re receiving so much love that you deserve. 🫶🏻"

"Best actress ang acting good workIt's your time Miles"

"All the best to you Milesy dear! Tagos pusong performance. 👏👏👏Daming iyak and your portrayal is superB! Good luck!"

"Best actress ang actingan! Congratulations🎉It's your time to shine Miles"

"Ang galing galing mo miles sunubaybayan kita since going bulikit kapa bata kapa tueang tuwa ako sayo magandanh influence ka sa mga kabataan ipagpatuloy molang kung anu sunimulan mo makakamit mo din ang spot sa showbiz you deserve da best i love miles"

"Miles you did it im happy for i know your a good actress. ...good luck more power to your career"

"Deserve proud of you congratulations"