Dismayado ang netizen na "Rodney James De Guzman" sa dalawang kabataang nagpunta sa National Museum of Fine Arts sa Maynila matapos patungan ang isang marble artwork ng cellphone para lamang makapag-TikTok.

"mag appreciate at matuto ❌," aniya sa kaniyang viral Facebook post.

"magTIKTOK at patungan ng cellphone ang artwork 🤦🏻‍♂️💯"

"FYi that is a marble artwork, nakalagay na do not touch, PINATUNGAN NAMAN!," aniya sa kaniyang caption.

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

Ayon sa panayam ng Balita kay Rodney, dismayado rin siya sa iba pang nakita niyang nagti-TikTok sa loob ng pambansang museo. Bilang isang artist, nagtungo aniya siya sa museo noong Valentine's Day kasama ang iba pang mga kaibigan. Halos lahat daw ng kabataang nagpunta roon ay walang ginawa kundi mag-TikTok sa harapan ng mga artwork, sa halip na basahin, pahalagahan, at matuto rito.

"I feel disappointed sa kanila kasi hindi nagkulang ang museum sa rules and regulations po eh, and they break the rules para lang sa TikTok at magsaya, its not the right place," aniya.

Kaya naman may payo siya sa mga nagnanais na magtungo at pasyalan ang National Museum.

"Irespeto po natin ang National Museum, ang mga artworks, at mga tao sa sa likod ng bawat obra. Parte na po ng history ang mga piyesa na nasa loob nito."

Maging ang iba pang netizens ay tila hindi rin ito nagustuhan.

"Mga kabataan nga naman hay."

"Ang hirap gumawa ng artwork tapos papatungan lang ng CP."

"Kaka-TikTok yata kaya naaalog ang utak eh."

"Sana may mga security personnel na nagroronda rin para nasisita kaagad kung may mga nagmi-misbehave."

Umabot na sa 15k reactions at 11k shares ang naturang FB post.