Tila hindi nagustuhan ng netizens ang bagong music video ng online personality na si Toni Fowler na “MPL” kasama si Freshbreed na inilabas sa kaniyang YouTube channel.

Sa music video, makikita si Toni sa isang bar at nakikipag-inuman, hindi nagtagal ay naging wild at malaswa na di umano ang mga sumunod na eksena sa naturang music video. Sigaw ng netizens, sumosobra na si Toni, kasabay ng pangangamba ng ilan na mapanood ito ng mga kabataan na sa murang edad ay marunong at may access na sa internet at iba’t ibang social media sites o website, kabilang na ang YouTube kung saan naka-upload ang music video.

Top trending topic sa Twitter ang “Toni Fowler” at narito ang ilan sa mga komentong nakita ng Balita:

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Screengrab mula sa Twitter

Screengrab mula sa YT Channel ni Toni Fowler

“Shocks! Minsan gusto ko na din questionin pagiging nanay nung toni fowler sa mga pinaggagawa nya. Napadaan sa news feed ko ung music video nya. Jusko po! May anak ka pa babae girl.”

https://twitter.com/maldita2k11/status/1625875321311621120?s=46&t=Y6U_3OvXDk_ptdQLe2V8Vw

“Nakalimutan ata ni Toni Fowler na may bata silang viewer or fan. yes magaling sya mag rap, sumayaw. talent yon, oo. pero grabe talaga yung music video ng MPL. naka hashtag pa pangalan ni Tyronia dun. hays”

https://twitter.com/qwerjeikl/status/1625856098564722688?s=46&t=XJspVpGz-LkkuTlHVe8BiQ

“Idol ko si toni fowler sa pagiging totoo niyang tao pero syettt bakit ganon sa music video niya masyado ng nilantad yung kalaswaan, hindi magandang panoorin para sa lahat.”

https://twitter.com/aprilconcha27/status/1625838199754067970?s=46&t=Y6U_3OvXDk_ptdQLe2V8Vw

Sa kabila ng pambabatikos na natatanggap niya, dedma lang si Toni at nagpasalamat pa sa mga bashers niya.

“SALAMAT PO SA MGA NAGBA-BAASSHH SA BAGO KONG KANTA #MPL MASYADO NYO KONG PINAPAYAMAN HAHA! LABYU,” lahad ni Toni sa isang Facebook post.

Sa ngayon ay may higit isang milyong views na ang “MPL” music video ni Toni.