Usap-usapan ngayon ang couple na manlalaro sa sikat na segment ng noontime show na "Eat Bulaga" na "Pinoy Henyo" kung saan kinukuwestyon ng mga netizen ang naispatang pandaraya umano ng dalawa habang hinuhulaan ang isang salita.

Sa kumakalat na video clip sa social media, makikitang hirap na hirap ang lalaki kung anong bahagi ng katawan ang pinahuhulaan ng kaniyang nobya. Ang salita ay "Stomach."

Nahulaan ng lalaki ang salita subalit hindi nakaligtas sa mga mata ng manonood at netizens ang pagsambit daw ng salitang "stomach" ng babae, na nabasa naman ng lalaki, kaya tumama sila.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at pahayag ng mga netizen sa comment section ng ulat.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Ang daya ni Ate Gurl haha dapat disqualified na sila."

"Pandaraya naman oh! Kitang-kita. Huli pero di kulong!"

"Eat Bulaga, unfair naman kung wala kayong gagawin about this."

"Waiting sa paliawanag ng EB."

Samantala, nagbigay ng suhestyon ang mga netizen na sana raw ay gawin nang magkatalikuran ang mga manlalaro upang maiwasan ang mga ganitong senaryo.

Wala pang opisyal na pahayag ang pamunuan ng EB tungkol dito habang isinusulat ang balitang ito.