Karaniwan nang kapag may handaan o pagdiriwang gaya ng birthday party, binyagan o iba pa, asahan na ang pagbabalot at pag-uwi ng pagkain o binibiro ngang "pagsha-Sharon," hango sa pangalan ni Megastar Sharon Cuneta, na umawit ng "Bituing Walang Ningning" kung saan naman nagmula ang mga linyang "BALUTIN mo ako sa lilim ng iyong pagmamahal…"

Kaya naman, laugh trip ang dulot sa mga netizen nang kumalat sa social media ang isang Facebook post kung saan tila naka-hang sa ere ang isang lechong baboy sa isang di-natukoy na handaan.

Makikita sa litrato na isang lalaki naman ang tumuntong sa isang monobloc chair upang kumurot sa naturang lechong baboy, na biro ng netizen na si "Adrian Castro" ay tila ayaw ipakain sa mga bisita. Nakatuhog pa ang lechon sa malaking kawayan.

“Yun naghanda ka ng litson pero ayaw m ipakain sa mga bisita," saad sa caption.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Larawan mula sa FB ni Adrian Castro via Philippine News

Sey ng mga netizen, ito na raw ang "epektibong" paraan kontra sa "Sharonians."

"Extra challenge sa mga Sharonians hahaha."

"Ganito pala dapat hahaha."

"Pabitin yern?"

"Nice idea hahahaha."