Inanunsyo ng Mutya ng Pilipinas ang pagkuha nito sa franchise license ng Miss Intercontinental pageant, Miyerkules ng gabi, Pebrero 15.

Ayon sa chairman ng Mutya ng Pilipinas na si Fred Yuson, nais nitong palawigin at mas makilala pa ang naturang pageant sa bansa.

“In 2019 on our 51st Mutya ng Pilipinas edition, I made a commitment towards MP's growth and expansion. Today, is the day with the announcement of our formal ties with MIO,” aniya.

“We welcome MIO with open arms and look forward to a great year in Mutya ng Pilipinas 2023,” dagdag naman ni Cory Quirino na siyang presidente ng MNP.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Sinabi rin niya na mas magiging kapana-panabik para sa mga pageant fans ngayong nasa kanila na ang prangkisa ng Miss Intercontinental pageant.

Ang reigning Mutya ng Pilipinas na si Iona Gibbs ang siyang magiging kinatawan ng bansa para sa Miss Intercontinental pageant na gaganapin ngayong taon.

Mula 2014 hanggang 2022, ang titulo ng Miss Intercontinental ay nasa Binibining Pilipinas Charities, Inc., na siyang nakapag-panalo sa bansa ng dalawang beses: sina Karen Gallman taong 2018, at Cindy Obeñita taong 2021.