Naiuwi na sa bansa ang labi ni overseas Filipino worker (OFW) Wilma Tezcan matapos masawi sa lindol sa Turkey kamakailan.

Namataang inilabas ang labi ni Tezcan sa cargo area ng Ninoy Aquino International Airport  Terminal 3 nitong Miyerkules ng gabi bago ibiniyahe patungo sa kanilang bahay sa Lucena City.

Kasama ni Tezcan sa biyahe pauwi ng Pilipinas ang anak na si Nicole.

Nasa Hatay si Tezcan nang yanigin ng 7.8-magnitude na lindol ang Turkey nitong Pebrero 6.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Hindi kasama sa biyahe ang Turkish na asawa ni Tezcan dahil nawala umano ang kanyang pasaporte.