Sinagot na ni Kapuso actress Kylie Padilla ang tanong ng press people kung anong masasabi niya sa ginawang paglalantad nina AJ Raval at Aljur Abrenica sa kanilang tunay na relasyon, na itinaon pa mandin sa mismong Valentine's Day.

Ayon sa estranged wife ni Aljur, masaya siya dahil lahat ay nahanap na umano ang mga bagay at taong makapagpapaligaya sa kanila.

Naganap ang pagsagot na ito sa idinaos na media conference para sa bonggang megaseryeng "Mga Lihim ni Urduja" na papalit sa hit drama-fantasy series na 'Maria Clara at Ibarra" na na-extend pa ang pag-ere.

"I'm happy for everyone. But seriously, 'di ba? Kapag dumarating yung… some sort of depression, just to be happy is a blessing already. Talagang no joke. I'm just happy that everyone's finding their happiness already," pahayag umano ni Kylie.

Kylie, flinex bigay na Valentine's card ng anak na si Alas; dedma kina AJ, Aljur?

Sa mismong araw ng tuluyang paglantad nina AJ at Aljur, ibinahagi ni Kylie ang Valentine's card na bigay sa kaniya ng panganay na anak nila ni Aljur na si Alas Joaquin.

Si Kylie ay tila may bagong pag-ibig na rin matapos niyang ibahagi sa social media ang "braso" ng isang lalaking kasa-kasama niya sa isang travel abroad.