Pinag-aaralan na ng Department of Agriculture (DA) ang paglalagay ng Kadiwa retail store sa mga piling pamilihan sa Metro Manila.

Ito ay upang maabot ng publiko ang mga abot-kayang presyo, ayon kay DA Assistant Secretary for Consular Affairs, Spokesperson Kristine Evangelista.

Planong ipatupad ang hakbang sa unang tatlong buwan ng 2023.

Dahil dito aniya, asahan nang magiging sapat na ang agricultural products sa National Capital Region at bababa na rin ang presyo ng mga ito.

National

Kitty Duterte, ibinahagi latest na mensahe ni FPRRD sa kanilang pamilya

“Isa sa mga tinitingnan natin ngayon ang pagkakaroon ng accredited Kadiwa retailers sa loob mismo ng mga palengke para po magkaroon ng access ang ating mga kababayan sa mas murang agricultural commodities— lalo na’t ngayon na mayroon naman tayong mga na-identify na cooperative na handa na na mag-supply sa palengke. So in the event na mayroong hesitation ang ating retailers sa palengke, at least ito po ay pamamaraan na rin para mahikayat sila na mag-shift ng supplier kasi ang ating objective is mapababa talaga ang presyo sa palengke,” sabi pa ni Evangelista.