Nagbabala ang Malacañang sa publiko kaugnay sa impormasyong hindi pa nakukuhang relief allowance para sa mga senior sa bansa.

Sa pahayag ng Malacañang nitong Huwebes, nilinaw na isang uri lamang ng scam ang kumakalat na ulat na mayroon pang unclaimed relief aid mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Apela naman ng DSWD, huwag sasagot sa mga text at tawag na nagpapakilalang empleyado ng ahensya na nagbibigay ng relief allowances, lalo na sa mga senior citizen at retired business owners.

“The department did not issue or publish such a message. Likewise, there is no such relief allowance that is being provided to the seniors,” pagbibigay-diin ng ahensya.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Gayunman, nilinaw ng DSWD na extended pa rin ang kanilang programangfinancial assistance for individuals in crisis situations (AICS) kung saan makikinabang rin ang mga senior citizen.

"For concerns regarding the department’s programs for the elderly, clients may inquire through DSWD VOIP number 8931-8101 local 10125/10157 or via email at[email protected]. Clients may also directly inquire with the authorized personnel at the City/Municipal Social Welfare Office located in each city/municipal hall to ensure legitimate information," dagdag pa ng DSWD.