Pinag-usapan ngayon sa social media ang love story nina LJ Satterfield at Ronnie Suan o mas kilala bilang si "Boy Tapang," matapos ibahagi ni Boy Tapang ang makahulugang Facebook story sa mismong araw ng mga puso.

Aniya, "Kung may mawawala, may dadating. Happy Valentine's Day sa lahat!"

Agad naman na pinagpiyestahan ng marites ang nasabing story ni Boy Tapang at napansin nga nilang wala ng bagong vlog si Boy Tapang na kasama si LJ o si Girl Tapang.

Tanong ng mga marites, "hiwalay na nga kaya sila?"

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ikinalungkot naman ng mga tagasubaybay ni Boy Tapang ang nasabing Facebook story at hinahanap na nga nila si Girl Tapang sa mga vlog.

Hirit ng mukbang fans, "Saan na ba yung magandang gf mo idol?," "Pinagpalit ka na ba idol," at "Bakit hindi na kayo magkasama ni LJ idol?"

Kahapon, may bagong uploaded vlog si Boy Tapang na hindi kasama ang gf nito at tila may parinig na naman ito sa kaniyang Facebook caption.

Aniya, "Kahit walang ka-date sa Valentines. Napasaya ko naman ang mga puso nila."

Matatandaang proud pa na iflinex ni Boy Tapang ang nobyang si LJ sa kaniyang vlog at ayon sa kaniya, "dream girl umano niya si LJ."

BASAHIN: ‘Siya dream girl ko!’ Vlogger na si Boy Tapang, may pa-jowa reveal

Samantala, wala pang kumpirmasyon na hiwalay na ang magjowa.