Masayang balita ang hatid ng social media personality couple na sina Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario matapos mag-propose ng una sa kaniyang kasintahan at ina ng kanilang anak na si Baby Meteor.

Isang "big yes!" ang sagot ni Antonette Gail sa kaniyang nobyo, bagay na kinakiligan at pinusuan naman ng netizens.

May madamdaming mensahe si Whamos para sa kaniyang fiancee isang araw matapos ang kaniyang wedding proposal.

"Hindi ko sasayangin ang binigay mong yes pangako💍🫶🏻," aniya.

Online couple Antonette Gail, Whamos, engaged na!

Si Antonette Gail naman, hindi pa rin makapaniwang engaged at malapit na silang ikasal ni Whamos.

"Akala ko matutulog lang kami… sinakto sa Valentines day hehe," aniya pa.

Congrats Whamos at Antonette Gail!