Kabuuang₱34,827,615.53 ang halaga ng tulong medikal na naipagkaloob ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa may 5,512 indigent patients sa bansa, mula lamang nitong Pebrero 6-10, 2023.

Nabatid na ang naturang pondo ay ini-release ng PCSO sa ilalim ng kanilang Medical Assistance Program (MAP).

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Sakop nito ang tulong para sa confinement, dialysis injection, cancer treatment, hemodialysis, laboratory, diagnostic, at imaging procedures, at implant at medical devices ng mga nangangailangang pasyente.

Ayon sa PCSO, sa National Capital Region (NCR), P6,789,518 ang kabuuang halaga ng medical assistance na naipagkaloob sa may 541 benepisyaryo habang₱8,103,375.05 naman ang naipagkaloob sa may 1,215 pasyente sa Northern at Central Luzon.

Sa Southern Tagalog at Bicol Region, nasa 1,369 beneficiaries ang nakinabang sa kabuuang₱6,719,407.10 halaga ng tulong medikal.

Sa Visayas naman, nasa 1,169 pasyente ang nabigyan ng₱6,514,774.79 na tulong medikal habang 1,218 naman ang nabiyayaan ng₱6,700,540.59na medical assistance sa Mindanao.

Kaugnay nito, hinikayat naman ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga PCSO games dahil malaking bahagi ng kinikita nila dito ang napupunta sa kawanggawa, gaya ng MAP.