Isinailalim ng Department of Education (DepEd) sa rebisyon ang ‘Panatang Makabayan.’

(ALI VICOY / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Ang ‘Panatang Makabayan’ ay ang Philippine pledge of allegiance na nire-recite ng mga mag-aaral sa bansa tuwing nagdaraos ng flag ceremony.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Base sa kautusan ng DepEd na may petsang Pebrero 14, nirebisa ng DepEd ang naturang panata at ipinag-utos na gamitin na ang salitang ‘nananalangin,’ sa halip na ‘nagdarasal.’

Dahil dito, ang naturang nirebisang linya ay ire-recite na ngayon bilang, ‘naglilingkod, nag-aaral, at nananalangin nang buong katapatan.’

Ayon sa DepEd, ito ay resulta ng konsultasyon ng Office of the Undersecretary for Curriculum and Teaching (OUCT) sa iba’t ibang organisasyon upang palitan ang mga terminolohiyang ginamit sa naturang national pledge.

“The Linguistic Society of the Philippines found the proposal for the use of 'nananalangin' to be well-written and sufficiently rationalized. The Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino agreed with the use of nananalangin because it is more inclusive, more solemn, and the choice for nananalangin is well-thought of and extensively researched,” nakasaad sa kautusan.

Dagdag pa nito, iba naman ang opinyon ng Language Study Center ng Philippine Normal University ngunit suportado nito ang pinal na desisyon ng OUCT sa naturang isyu.

Anito pa, “Likewise, it is more inclusive and appropriate as it does not refer to or specify religions, and at the same time, it encompasses indigenous belief systems. Second, as expressed by the focal persons representing the Indigenous Cultural Communilies/lndigenous Peoples and the individuals belonging to Muslim and Moro communities, dalangin and its equivalents may be more preferred than dasal since dalangin is more spiritual and universal.”

“Finally, based on the data provided by the Philippine Bible Society, native words are preferred when Bible is being translated into different Philippine languages,” anito pa.

Sinabi rin ng DepEd na ang Panatang Makabayan ay ire-recite tuwing flag raising ceremony, sa klase, at sa mga programa sa daily school activities sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan at mga tanggapan ng DepEd.

Narito ang inamiyendahang Panatang Makabayan:

Iniibig ko ang Pilipinasaking lupang sinilangan

tahanan ng aking lahi;

kinukupkop ako at tinutulungang

maging malakas, masipag at marangal.

Dahil mahal ko ang Pilipinas,

diringgin ko ang payong aking mga magulang,

susundin ko ang tuntunin ng paaralan,

tutuparin ko ang tungkulinng mamamayang makabayan;

naglilingkod, nag-aaral, at nananalangin

nang buong katapatan.

Iaalay ko ang aking buhay,

pangarap, pagsisikapsa bansang Pilipinas.