Ibinida ni Kapuso actress Kylie Padilla ang Valentine's card na ginawa at ibinigay sa kaniya ng panganay na anak nila ni Aljur Abrenica na si Alas Joaquin.

"I'm not crying you're crying," caption ni Kylie sa kaniyang Instagram post sa mismong araw ng mga puso.

View this post on Instagram

A post shared by ☽ k y l i e ♡ (@kylienicolepadilla)

AJ at Aljur, lantad na lantad na talaga; pinusuan Valentine posts ng isa't isa

Makikitang dinisenyo ng bata ang card ng finger painting at cut out na hearts.

Mababasa sa dedication ni Alas ang "Dear mom and dad. I love you. Valentines."

Samantala, ang kaniyang ama naman na si Aljur Abrenica ay may ibang "pasabog" ng araw na iyon.

Flinex na kasi nila ng kaniyang "rumored" girlfriend na si Vivamax star AJ Raval ang isa't isa, na tila kumpirmasyon ng kanilang relasyon.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Kylie tungkol dito, bagama't nag-flex na rin kamakailan si Kylie na may kasama siyang lalaki sa isang travel.