Nagpahayag ng pagkabahala ang Japanese Embassy sa bansa kaugnay sa panunutok ng military-grade laser light ng Chinese Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Ayungin Shoal nitong Pebrero 6.

Sa social media post, nanawagan si Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa sa lahat ng estado na igalang ang international law of the sea.

“We express serious concerns about dangerous behavior against (Philippines) vessels. All states should respect maritime order based on international law, in particular UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea), and recall that the 2016 Arbitral Award is final and legally binding. We firmly oppose any action that increase tensions," pahayag ni Koshikawa.

Kamakailan, nabahala rin si Japanese Prime Minister Fumio Kishida kaugnay sa sitwasyon sa East at South China Sea at pinagtibay ang pagkakaroon ng “reinforce maritime domain awareness at maritime law enforcement” sa rehiyon.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Sa kanilang joint statement pagkatapos ng summit meeting sa Japan nitong Pebrero 9, binatikos nang husto ng mga ito naging aksyon ng Chinese Coast Guard dahil magiging mitsa lamang ito ng tensyon.

Naghain na rin ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China nitong Pebrero 14 kung saan ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

Nauna nang sinabi ng China na sakop pa ng kanilang teritoryo ang Ayungin Shoal o Second Thomas Shoal na 105 nautical miles (194 kilometro) kanluran ng Palawan.

Philippine News Agency