Wala pa ring nanalo para sa jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45 sa evening draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules, Peb. 15.

Ang winning combination para sa Grand Lotto ay 07 – 25 – 15 – 22 – 44 – 54 para sa jackpot na nagkakahalaga ng P49,321,695.20.

Sinabi ng PCSO na 12 bettors ang nanalo ng pangalawang premyo na nagkakahalaga ng P100,000 at 689 na manlalaro ang nakakuha ng ikatlong premyo na nagkakahalaga ng P1,500.

Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado sa alas-9 ng gabi.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Samantala, ang masuwerteng numero para sa Mega Lotto ay 40 – 05 – 30 – 08 – 43 – 14 para sa jackpot na nagkakahalaga ng P27,302,886.00.

Dalawampu't tatlong bettors ang nakakuha ng pangalawang premyo na nagkakahalaga ng P32,000 at 1,187 na manlalaro ang nanalo sa ikatlong premyo na nagkakahalaga ng P1,000.

Ang Mega Lotto ay binbunot tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na 9 p.m.

Luisa Kabato