Inoobliga ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga opisyal ng Flex Fuel Corporation, kabilang na ang dating co-owner, chairman nito na si television host, actor Luis Manzano, na sumipot sa isasagawang imbestigasyon kaugnay sa reklamo ng 50 iba pang may-ari ng kumpanya na natangayan umano ng milyun-milyong piso.
Layunin ng imbestigasyon na makapagpaliwanag si Manzano at ilang opisyal ng kumpanya.
Nitong nakaraang Lunes, nakatanggap ng request letter ang NBI mula sa kampo ni Manzano na humihiling na bigyan pa sila ng 15 araw bago maisagawa ang pagdinig sa reklamong estafa.
Gayunman, itinakda ng NBI ang pagdinig sa Pebrero 20 kung saan inaasahang dadalo ang magkabilang panig.
Matatandaangnagpaliwanag na si Manzano at sinabing kinonsulta na niya ang NBI noong Setyembre 2022 kaugnay sa pagkabigo ng kumpanya na matupad ang mga obligasyon nito sa mga co-owner at investor.
Depensa pa ng aktor, aabot pa ng₱66 milyon ang utang din sa kanya ng kumpanya.
Todo-tanggi rin ang Flex Fuel sa alegasyong nagkaroon ng scam at sinabing wala umano silang itinatago sa kanilang investor.
Idinagdag pa ng kumpanya na kaya naapektuhan ang kanilang kita dahil sa pandemya ng coronavirus disease at giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.