Matapos ang mahabang update ni Queen of All Media Kris Aquino patungkol sa kaniyang kalagayan sa araw ng kaniyang kaarawan, kasabay ng Valentine's Day, sa detalyeng grateful siya sa isang "very determined man" na bumiyahe ng 13 oras pa-Amerika para lamang madalaw at makita siya ang pumukaw sa atensyon ng mga marites.

Nangangahulugan daw ba nito na may bago nang pag-ibig si Krissy matapos ang pinag-usapang break-up nila ni Mel Sarmiento?

Sa ikatlong talata ng kaniyang Instagram post nitong Pebrero 14, tila pinasalamatan ni Kris ang isang "very determined man" na sumadya at bumiyahe talaga ng halos 13 oras upang madalaw siya.

"I have a wonderful support system from my 2 sons, Alvin, Rochelle, Ate Rome, old friends & new friends here in the 🇺🇸… but you need to be a very determined man of your word to fly 13 hours each way to spend a few days with me on my birthday. For his effort I am GRATEFUL," saad sa post.

'Bagong nagpapakilig?' Kris Aquino, grateful sa isang 'very determined man'

Mas naintriga pa ang netizens dahil sa kalakip na art card ng post kung saan mababasa ang text na "Distance is just a test to see how far love can travel" with matching eroplanong lumilipad.

Wala pang 24 oras ay tila may sagot na ang mga tagasubaybay ni Kris.

Napagtagni kasi ang Instagram posts naman ni Batangas Vice Governor Mark Leviste kung saan makikitang magkasama sila ni Kris, at pareho pa sila ng sinabi na "Distance is just a test to see how far love can travel."

Sa isa pang Instagram post, binati ni Mark si Kris sa kaniyang kaarawan at Valentine's Day.

"Made it just in time for your birthday and Valentine’s Day. 💞 It may have taken more than 7k miles to be with you, but I wouldn’t have it any other way. Although we have been apart, now that we’re together fills my heart. 💖 It is for this reason my love and my dear you will always and forever feel near."

"Happy Birthday to you and Happy Valentine’s Day to us @krisaquino!" mensahe nito.

Marami naman sa mga celebrity at netizens ang kinikilig para sa kanilang dalawa.